Tumitindi ang krisis panlipunan at pampulitika sa bansa, gayundin ang krisis sa karapatang-pantao. Hindi malayong ang mga sitwasyong ito ang nagtutulak sa administrasyong Duterte na pana-panahong pasulputin ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan, kundi mismong ituloy ang muling pagbubukas nito.
Topic: Anakpawis
2018
2018
“The fact that there are documents painstakingly drafted, which served as the guidelines on the series of negotiations are proof that there are positive outcome from the talks,” he said, citing the Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law, the Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reform and the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantee.
2018
“Sumusunod ako sa patakaran ng NDFP. Ang magkadigma ay pwedeng magpeace talks, hindi iyong magkaibigan at mapayapa na ang relasyon,”
2018
Ang posibilidad ng isang malaking krisis panlipunan at ang kabiguan ng mga gobyernong Macapagal at Marcos na maagapan ang krisis na ito ay lumikha ng malawakang diskuntento sa panig ng masang Pilipino. Dahil dito, umalingawngaw ang mga pagpupunyagi para isulong ang mga radikal na pagbabago sa pamamagitan ng paglikha ng bagong konstitusyon na sasagot sa mga pangunahing isyu ng bansang ito gaya ng paghihikahos ng nakakarami, pamamayani ng lokal na oligarkya, at korapsyon at kabulukan sa gobyerno.
2017
Ang rehimeng ito ay pabor sa pagbase ng imperyalismong US sa Pilipinas at pagpihit sa Asya. Pabor sa pagbase ng mga pwersang militar ng US at mga transnayunal na korporasyon, sa mga dayuhang investors at ispekulador, at sa mga kakutsaba nilang malalaking komprador at malalaking panginoong maylupa.
2017
Nasisiyahan din ako na ipagbubunyi ninyo ang ika-100 anibersaryo ng Rebolusyong Oktubre sa balangkas ng pandaigdigang pagdiriwang sa inisyatiba ng International League of Peoples´ Struggle. May kaugnayan ito sa Lakbayan ng Visayas 2017 sapagkat pinatutunayan ng Rebolusyong Oktubre na ang panlipunang pagpapalaya ay nakakamit batay sa alyansa ng manggagawa at magsasaka. Nahawan ang daan para sa tagumpay ng rebolusyon sa pamamagitan ng mga kilos protesta ng masa laban sa kagutuman at panunupil ng estado.
2017
Karapat-dapat lamang na makapangalap kayo ng mas marami pang kasapi mula sa hanay ng mga migranteng kababaihan. Patingkarin ang talino at mapanlabang diwa ng kababaihang bayani katulad nina Gabriela Silang, Teresa Magbanua, Lorena Barros at Maita Gomez na ang mga pangalan ay nakaguhit na sa kasaysayan ng ating Inangbayan.
2017
Angkop na buksan ninyo ang selebrasyon sa pamamagitan ng mobilisasyon sa harap ng US embassy sa Setyembre 11, at sa gabi nito naman may mga kultural na pagtatanghal kasama ang mga pambansang minorya sa Lakbayan 2017. At magtipon ang mga alumni para magbahaginan ng mga karanasan at aral. Mahalagang sa Setyembre 12 ilulunsad ninyo ang mga propaganda workshop at usapin tungkol sa K-12 program at ang pagsasanay sa pagsusulat, pagtalumpati at propagandang biswal.
2017
Sa ilang nakaraang taon, umabot na sa aking kaalaman ang maraming mabuti at magiting na gawain ni Ka Ateng (Sister Cecilia C. Ruiz) para sa masang inaapi, mahirap at pinagkaitan. Isang karangalan at ikinagagalak ko nang nakadaupangpalad ko, nayakap at nakausap ko siya sa kanyang pagdalaw sa Utrecht, kasama si Ka Aurora Santiago, byuda ng matagal at malapit kong kasama sa pakikibaka na si Ka Willem Geertman, dakilang kadre ng uring proletaryo, rebolusyonaryong bayani at martir ng mga anakpawis ng Pilipinas at buong daigdig.
2017
Ginugunita ng bansang Pilipinas ngayong Hulyo ang ika-153 anibersaryo ng kapanganakan ni Apolinario Mabini na kinikiala bilang ‘Dakilang Paralitiko’ at ‘Utak ng Rebolusyon’ dahil sa kanyang mahahalagang ambag sa pagpupukaw sa damdaming makabayan ng mga Pilipino na patuloy na naninindigan at lumalaban para sa tunay at ganap na kasarinlan ng bansa..